Wednesday, April 11, 2007

nang tumunog ang cellphone

beeeeeeep..
himala, tumunog ang cellphone ko na parang beeper.
1 new message. Read.

From AG. Uy himala nag forward ng message si ex.
"Hi. Musta na?Nasan ka?"
Hala, hindi forwarded. Hmm, bakit kaya to nagtext. So nireplyan ko.
"Im ok. Im here sa house. Y?"
"Andito kami sa tapat nyo."
Kaba. Pawis. At dinedma ang ex.
beeeeeep ulit...
"Kain tayo ng halo halo.Ü"
So lumabas na ko.

Hoy! Anong ginagawa niyo dito?
Wala lang. Pwede makiinom ng tubig?
Lika.
opens gate.
Gusto mo makita baby ko?
Oo nga, kambal daw?
Oo. Girl and boy.
Wow pano gumawa ng kambal? Nasa lahi nyo?
Oo sa side ni papa.
Pwede makihugas ng kamay?
Andun sa likod.
pumunta sa laundry area...
Pag may nagtanong sa yo, sabihin mo nakihugas lang ako ng kamay. Wag mong sabihin na magkakilala tayo para di ka madamay.
Ok.
Padala ko lang gift ko sa kambal.
Nge, ikaw pa. Haha. Sige ingat pauwi.

di na ulit tumunog ang phone.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...