Monday, April 2, 2007

their first conversation

Mag tatlong taon na ang anak kong si Aloy pero di pa niya alam kung sino ang tatay niya o kung may tatay ba siya. July last year nang sinampahan ko ng child support case ang tatay niya pero natakot naman ang mokong kaya bumili ng bagong sim card para di na namin siya ma contact. Malas nga lang niya dahil may pagka detective ako kaya nalaman ko pa rin ang bago niyang number. Hehehe. Feeling ko isa akong secret agent sa aking past life.

Kagabi, tinanong ko si Aloy kung gusto niyang magtelebabad, sumagot naman ng "Opo" ang bata kaya kinontak ko yung tatay niya. Nang nag ring na yung number, binigay ko na yung cellphone kay Aloy at iniwan ko siya sa kwarto. Wala akong idea kung ano man ang pinag usapan nila, may narinig lang ako tungkol sa Power Rangers dahil fanatic si Aloy sa mga robot na pumangit ang version ngayon kesa nung kapanahunan namin. Hehehe. Anyway, nung nag goodnight na ang bata sa tatay niya, umiba ang aura ng anak ko. Parang sobrang saya ang pakiramdam niya. Naisip ko, lukso ng dugo ang tawag dun. Nakakaloka lang dahil hindi pa naman namin napapag-usapan ang tatay niya sa bahay. Paminsan nasasabi namin ang pangalan pero hanggang doon na lang yon. Pero nung nag usap sila, close agad ang Aloy sa tatay niya. Haha.

Nang kinuwento ko yung nangyari kagabi sa best friend ko, tinanong niya ako kung okay lang ako. Sa totoo lang, di ko rin alam kung anong magiging reaction ko. Pero nung nakita kong masaya ang anak ko, naiyak na rin ako sa saya. Ganito pala ang pakiramdam ng single mom. Kahit na hindi kami in good terms ng tatay ni Aloy, hinding hindi ko siya sisiraan at hindi ko rin ipagkait ang karapatan niya sa bata.

Yun lang.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...