Thursday, May 24, 2007

good mohorning

Scene 1: Bedroom
Good Mohooooorniiiinnngggg!
Patay, may topak na agad kagigising pa lang.
Gooood Mohooooooorrrrnnnniiinnnggggg Mamaaaaaa!
Good Morning too Kuya.
Tara na dali! Magbili tayo ng napay.
May tinapay na tayo sa kusina.
Hindi yun. Yung pandesal.
Wala kang pera.
Ooooooyyyy meroooooon.... Nandoon kay Daddy. (sabay takbo sa garden kung nasaan ang lolo nya)

Scene 2: Garden
Daddy maghingi ako ng pera.
Para?
Magbili ako ng pandesal.
O eto.
Salamat! Babay! Mag ingat ako ha.

Scene 3: Bedroom ulit
Mama, dali na mag alis na tayo.
Tamad ako, kay ate Sheryl ka na lang magpasama.
Ayaw ko, ikaw lang. Sige na please.
(nagising si Cail)
Goooood Mooooohoooorrrrnnnniiiinnnnggggg Caitlin.
Oy hindi yan si Caitlin.
Good Morning Cail. Tawa tawa ka na agad? Dali maglaro tayo.


At tinapon ang pera sa sahig.

Wakas.

1 comment:

Mitchteryosa said...

Natawa ako sa "mag-ingat ako ha?" Hehehe!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...