Wednesday, May 23, 2007

May Pag Asa Pa!

Tumataya ba kayo sa lotto? Mahilig bumili ng ticket sa raffle? O tumaya sa last two? Hay ewan.

ANG LOTTO

Ako, give up na sa lotto. Kasi naman, mula bata pa ako naniniwala ako na ang pag taya sa lotto ay sagot sa kahirapan namin. Pero di naman kami dukha, sakto lang. Kumbaga pa, dagdag na lang yong milyones sa kakarampot na sweldo ng mga magulang ko. Pero wala pa rin, di pa rin kami nananalo kaya give up na ako. Tumataya pa rin ang mga magulang ko sa lotto hanggang ngayon at sad to say, ni 3 combinations eh hindi pa rin sila nakaka "jackpot". Nakakaloka di ba. Siguro kung mananalo sila ng milyones eh aabono pa rin sila kung ia-add namin yung mga tinaya nila for the past nnnth years.


RAFFLE

Ilang beses na rin akong bumili ng raffle ticket. Ang huli kong bili eh yung sa Local Civil Registry nung nagpa register ako ng birth certifcate ng kambal. Di ko naman talaga yun binili, bale yung bayad sa registration ay raffle ticket ang ibinigay sa akin instead of resibo. Maabilidad ang gobyerno! Pero ewan ko kung nanalo ako. Malamang hindi, kasi di naman ako binalitaan ng mga kakilala ko doon. Nung Grade 5 naman ako ay nanalo ako ng 100pesos sa school namin. Meron kasing weekly raffle na ginagawa ang corrupt na student council namin nung time na yon. 100 pesos ang grand prize each week. Nanalo ako ng 100 pesos dahil bumili ako ng 200 pesos worth ng ticket. Sige lang. Di bale na kahit umabono pa ako. Nakaakyat naman ako sa stage.

Nung 6 years old naman ako ay nanalo naman ako ng 50 pesos sa raffle sa Christmas Party ng City Hall. Akala ko grand prize. Siyempre proud na proud ako dahil nanalo ako. Binigay ko ang envelope na man lamang 50 pesos sa nanay ko. Ang nanay ko naman, nanalo nung araw na yon ng isang sako ng bigas.

Kaya give up na rin ako sa mga raffle. Usually kasi kapag mag grand raffle dito sa amin, ang mga nananalo ay kung hindi taga GenSan ay taga Davao naman. Nakakaloka. Pati ang pagbenta ng ticket ay umabot doon. Minsan naiisip ko na isang malaking SCAM ang lahat para hindi ma kunwari ma trace yung nanalo eh gagawa sila ng "ghost winner" para kunwari talagang may nanalo. Di kaya? Posible naman yun di ba.

ANG BINGO

Mas okay na lang mag Bingo kesa sa raffle dahil at least nakikita mo kung sino yung nanalo. Pero wala pa rin akong swerte sa ganyan. Di pa rin ako nananalo. Give up na ako dito.

CONTEST

Mas mabuti pang sumali ako sa contest dahil nananalo ako. Hindi naman pure luck ang pagsali sa contest dahil talagang pinaghirapan mo yon. Last week nga, sumali ako sa isang context sa PEX at voila! Nanalo ako ng DVD. Haha! Ang babaw ko. Nagulat na lang ako nang may na receive akong PM galing kay Ada. Ang saya. Nawalang nga ako ng pag asa sa swerte, pero sa contest mukhang may chance ako. May pag asa pa!




No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...